Saturday, October 17, 2015

Filipino Blog

                                             Napapanahong Isyu: K-12







Napakaraming mga isyu ang nagiging usap-usapan sa iba't ibang parte ng bansang Pilipinas.
May mga isyung tungkol sa korapsyon, polusyon, eleksyon,kakulangan sa mga pasilidad sa ibat ibang sektor ng pamahalaan tulad sa edukasyon at higit sa lahat ang K-12 curriculum. Kahit na ilang taon na ang lumipas mula ng ipatupad ito at simulang baguhin ang mga grading system sa bawat paaralan ay hanggang ngayon usap-usapan parin ito. 


Sa bawat lugar sa Pilipinas, may mga taong hindi sang-ayon at may mga taong sang-ayon dito. Ngayong taon lamang ay may umiigting na laban kontra sa K-to-12. Hindi lamang ang mga magulang kundi pati na rin ang mga istudyante. Sinasabi ng iba na dagdag gastusin lamang ito at mas lalong maghihirap ang mga tao dahil dito. 
Laman ng sunud-sunod na mga kilos-protesta laban sa K-12 si Emmanuel Asis, Grade 10, at presidente ng Supreme Student Government (SSG) ng Nagpayong. Para sa kanya, hindi ito ang sasagot sa matagal at malalim na problema sa edukasyon ng Pilipinas. Dagdag-pasakit lang ito para sa mahihirap.
“Mahihirap na mga estudyante ang pangunahing maaapektuhan, ang sasalo ng dagdag na mga gastos,” ani Asis.
Sa edad na 15, isa si Asis sa mga pangunahing nangangalap ng mga opinyon hinggil sa programa at nagtitipon sa mga kapwa niya mag-aaral sa kanilang paaralan. Kasama niya ang mga ito na dumalo sa kauna-unahang pagtitipon ng mga estudyante, guro, magulang at iba pang sektor na tutol sa K-12.
Binubuo ng iba’t ibang eskuwelahan at komunidad ang tinawag na Stop K-to-12 Alliance na layong manguna sa kampanya para ipabasura ang programang nakaambang ipatupad sa susunod na taon.
“Ito’y malawakang asosasyon ng mga magulang, mag-aaral at mga guro, mula antas paaralan hanggang dibisyon na layong tipunin ang lahat mula sa pinakamababang antas hanggang sa pinakamataas,” ani Louie Zabala, tagapangulo ng Manila Public School Teachers Association (MPSTA).

Tungkulin ng gobyerno ang magbigay ng edukasyon sa mga mamamayan upang masigurong mapapaunlad ang kalidad ng edukasyon ito batay sa pangangailangan ng bansa. 
Bilang hakbang sa pagpapaunlad ng edukasyon sa Pilipinas, pilit na itinulak ng administrasyong Aquino ang Enhanced Basic Education Act of 2013 o ang programang K-to-12 na nagpabago sa sistema ng edukasyon sa bansa. Mula dating sampung taon sa basic education curriculum, dinagdagan ito ng dalawang taon.
Isa ang pilipinas sa mga bansa na hindi paa nagpapatupad ng K-12 kurikulum kaya mababa ang kalidad ng edukasyon sa bansang ito. Ayon sa gobyerno, kaya ipinatupad ang K12 ay upang maging angkop ang bansang Pilipinas sa mga internasyunal na mga pamantayan. 
Naniniwala ang Alliance of Concerned Teachers (ACT), pambansang alyansa ng mga asosasyon ng mga guro sa bansa, na itinutuon ang programang K-to-12 para sa internasyunal na pamantayan at pangangailangan. Pero hindi ito ang siyang makakatulong sa edukasyon sa partikular at sa bayan sa pangkalahatan sa kasalukuyan.
Dapat pansamantala munang itigil ang implementasyon nito para hindi masayang ang pera at pagod ng DepEd at ng mga guro at iba pang mga mamamayang kasangkot sa implementasyon nito. Dapat unahin ng gobyerno ang mga kakulangan sa 10-year Basic Education Cycle bago magdagdag ng taon dahil kung basta na lamang magdaragdag ng taon nang hindi pa naaayos ang 10-year Basic Education Cycle, tiyak na lalo lamang gugulo ang sistema at baka nga lalo pang bumaba ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

Alam naman nating lahat na ang K12 ay ang programang ipatutupad ng pamahalaan at ng kagawaran ng edukasyon na naglalayong tulungan ang ating mga kabataan at ang pantayan ang sistema ng edukasyon, hindi lamang sa buong Asya, kung hindi sa buong mundo. Ngunit marami parin ang mga kulang at wala sa ayos kaya hindi maintindihan ng mga mamamayan kung makakabuti ba ito o mas lalong makakasama. Ang iba ay tutol ukol dito at sinasabing ipabasura na dahil dagdag lamang ito sa mga proproblemahin ng mga magulang pati ang mga gastusin sa mga ito. 
Lahat naman talaga ng bagay ay kailangan nating paghirapan at pagsumikapan. Para sa akin, sa una lang naman talaga nagkakaproblema at alam kong itong K12 na ito ang magiging daan at susi sa ating kaunlaran. Malaking tulong ang maidudulot nito sa atin kahit na mahihirapan tayo sa una dahil gagastos tayo ng malaki pero pag nagtagal ay mababawi rin naman natin ang lahat ng ginastos at pinaghirapan natin dahil magiging matagumpay tayo at makakamit natin ang ating mga minimithi pero dapat muna nating ayusin ang mga bagay na nagiging dahilan ng pagiging komplikado nito nang sa ganoon ay maintindihan ng mga mamamayan lalong lalo na nag mga magulang at istudyante kung ano ba talaga ang layunin ng K-12.

2 comments:

  1. RBB88 (Rb88).com | ThTopBet
    RBB88.com is one of the top online gambling sites for 샌즈카지노 real money! Read reviews and learn rb88 more about RBB88, its 다파벳 online sportsbook, games,

    ReplyDelete
  2. Casino City, New York - MapYRO
    This map of 밀양 출장안마 casinos is in alphabetical order and 안산 출장안마 has 3 columns 강릉 출장마사지 in each column. Each column shows a specific 경상남도 출장마사지 gambling 김해 출장샵 establishment. For instance,

    ReplyDelete